Twisted Angel

Random thoughts about love, life, style and everything else that matters to me.

November 13, 2008

LP#1: Kinagisnan

Ang aking unang lahok sa Litratong Pinoy.

Sa tema ngayong linggo napaisip ako, marami akong nakagisnan na hanggang ngayon ay tinatangkilik ko pa rin, subalit ang masasabi kong aking kinagisnan na lubusang tumatak sa aking pagkatao ay ang wagas na pag-ibig ng aking mga lolo at lola.

Lumaki ako sa aking lolo, wala ata akong alaala sa aking kabataan na hindi kasama ang aking lolo. Kinagisnan ko ang kabaitan ng aking lolo at nakita ko rin kung paano niya minahal ang aking lola. Ang litratong ito ay kuha ng kanilang ika-limampung anibersaryo ng kasal noong 1990, kung saan muli nilang pinagtibay ang kanilang pag-ibig sa pamamagitan ng muling pagpapakasal at tunay na espesyal ang okasyong ito dahil ang kanilang mga anak at apo ang tumayong mga abay. Kung hindi kinuha ng cancer ang aking lolo noong 1996, ngayong Nobyembre 16, 2008 ay magdidiwang sila ng kanilang ika-68 na anibersaryo.

Nakakainggit ang ganitong pag-ibig at ilang beses ko nang pinangarap na sana, maging kasingpalad ko ang aking lola na nakatagpo ng ganitong klaseng pag-ibig.